Monday, March 15, 2010

Panakip butas


sa bahay, isa sa mga importanteng gamit ay ang sealant. kilala natin ito sa Pinas sa pangalang vulca seal. ang pamosong produktong ito ay matagal nang ginagamit upang takpan ang mga butas sa ating mga bubong, sa mga daanan ng tubig, at sa kung saan saan pa.

magaling ang vulca seal. basta may butas, kayang kayang tapalan. itago ang mga kailangan itago. madalas sa hindi, kayang magbigay proteksyon. sa bubong na butas at tumutulo sa panahon ng tag-ulan, vulca seal lang ang kailangan. isang solusyong panakip butas.

pero sa realidad ng buhay, mahirap na maging panakip butas sa buhay ng iba. masaya ka sa mga oras na kayang punan ng ibang tao ang pangungulila mo. pero sa kabilang banda, masaya kaya ang taong pumupuno ng kalungkutan mo?

mag isip ka kaibigan. matalino ka. wag kang magpakabulag sa iyong pangungulila.

No comments: