Friday, January 30, 2009

mga paborito kong bloggers

mahilig akong magbasa ng mga blogs. para sa akin kasi, masaya ang magbasa ng mga blogs ng mga tao. parang kausap mo sila. yun nga lang binabasa mo ang nais nilang sabihin. at bilang isang blogger, hindi madaling magblog. kahit sabihin mong ikaw na ang pinaka magaling magsalita at mabulaklak ang iyong pananalita, sa blogging, ibang iba ang mundong gagalawan mo. kailangan magaling kang magsulat. kailangan intresante ang mga isusulat mo. dahil kung hindi, wala nang babalik para basahin ang mga blogs mo.

sa tinagal tagal ko nang nagbabasa ng mga blogs, nagkaroon na rin naman ako ng mga blogs na palagian kong binabasa. ito ay dahil na rin sa galing nilang magsulat at ganda ng kanilang mga isinusulat. kahit mahahaba ang mga blog nila minsan, magaan pa din para saken ang tapusing basahin ang mga sinusulat nila.

isa sa mga paborito kong blog site ay ang www.marketmanila.com. si marketman ay isang food blogger. isa ito sa bumubuhay sa natatago kong hilig sa pagluluto. madalas na nagiging inspirasyon ko siya pagdating sa galing nia sa pagluluto. gusto kong maging kagaya nia pagdating ng panahon.

si bryanboy naman ay isang fashion blogger. at hindi basta basta fashion kundi international fashion scene. kilala sia sa iba't ibang bansa dahil sa kanyang blog. minsan nangangarap ako na sana kaya ko ring magsulat ng mga blogs na nakakaaliw sa kanyang mga tagabasa.

yan ay dalawa lamang sa mga nirerespeto kong blogger. parehong magaling at kilala sa blogging scene.

ikaw? sino ang paborito mo?

No comments: