Wednesday, January 14, 2009

UPCAT the movie

Nanood ako ng UPCAT the movie kagabi sa NCAS Audi sa UPLB. Isa lang masasabi ko, nakarelate ako kay Lucas. Ayaw pag-aralin sa UP kasi walang pera, hindi kayang suportahan ng magulang, pero against all odds, lumaban at gumawa ng paraan para makapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas.

hehehe akala ng marami, masarap ang buhay ko kasi only son lang ako, pero lingid sa kaalaman ng lahat, halos igapang lang ako ng mga magulang ko ang pag-aaral ko dati sa UPLB.

Application form pa lang, pahirapan na. Kasi madami akong kailangan isubmit para sa form. Ang dameng kailangan ayusin. choices pa lang, mahirap na. nalintikan na.
1ST CHOICE, UPLB. 1ST COURSE: BS COMPUTER SCIENCE.(quota course, 4 blocs)

Tapos exam. Paglabas ng resulta...

"PASADO AKO UPLB!!! AT COMPUTER SCIENCE PA!!! YAHOOO!!!"

"di ka namin kayang pag-aralan dun anak.."

patay. di pde. gagawan ko ng paraan. me scholarship. meron STFAP. meron DOST.

apply ako. DOST. STFAP.

"mahirap yang DOST. konti lang pumapasa dyan."

laban lang ako. kailangan ko ito para makapag-aral sa UPLB.

DOST exam. syet. 270 personality questions. natuyo yata utak ko sa paulet-ulet na tanong.

resulta ng DOST. PASADO AKO!!!

"nay, pasado ako sa DOST, siguro naman pede na akong mag-aral sa UPLB. meron nang free tuition, at stipend pa."

"paano bahay mo? pagkain mo? pamasahe mo? gamit? pang project mo? at kung ano-ano pa.. tsaka magulo dun anak. dito ka na lang sa atin."

"nay, gusto ko dun. gusto ko mag-aral sa uplb." (umiiyak na ako nang sinasabi ko un)

matapos ang mahabang paliwanagan... ang sabi ni tatay..

"sige ako ang bahala."

umpisa pa lang yan. 4 na taong pahirap ang sumunod. pero sa kinalaunan, natapos din ako sa UPLB.

==============================

komentaryo sa pelikula:

1. Napansin ko na malaki ang role ng jeepney sa buhay ng pamilya ni Lucas. Sa lahat ng pelikulang pilipino, ito pa lamang yata ang nakita ko na naglarawan at gumamit ng jeepney sa ganoong estado. Isang magandang oportunidad ito para sa ating mga likhang pinoy.

2. ANG GANDA NG UPLB. hehehe

3. Maganda ang babaeng bida. (hiyasmin neri) pero napansin ko na hindi niya kayang sabayan ang galing ni Lucas sa pag-arte.

4. Over-all, nakakatawa ang pelikula, pero meron siang mga kurot sa bawat dulo ng komedya. isang magandang paraan ito para maakit ang mga kabataan na hindi mahilig sa drama. at sa totoo lang, dapat lang na maging masaya ang pagsasalarawan ng buhay ng isang estudyante ng UP. hehehe

5. nagandahan ako sa balanseng paglalahad sa buhay at sa kahihinatnan ng isang estudyante ng UP. Pinakita nila ang iba't ibang aspeto nito. merong naging mayaman at maimpluwensya, meron naging tanyag na manunulat, meron naging rebelde, meron magaling na hindi agad sumikat, at higit sa lahat meron isang taong ayaw sa UP. totoo naman un eh.. habang halos karamihan ay nangangarap mag UP, madami din naman na ayaw sa UP. at yan ay katotohanang hindi natin kayang itago. :)
=================================

sana makarating ng ibang bansa ang UPCAT the movie. :)

1 comment:

Tagahusga said...

Hey Kaibigan... Natatandaan mo ba ang scene na hinarana nila lucas at joaquin ung babae? aus ba ung lyrics at ung tugtug na ginamit nila?