kailangan kong mag-aral pero... nahahyper ako!! di tuloy ako makaconcentrate sa binabasa ko!
*********************
sa buhay, napatunayan kong ang dame mong options talaga! kaw na lang talaga ang pipili sa tamang paglulugaran mo. kaya dapat, think and choose wisely!
*********************
akala ko wala akong graduating students this semester, meron pala! buti na lang tapos na akong magcheck ng lahat. whew.
*********************
pag meron na akong pera, gusto ko din magpa-alaga sa dermatologist. hindi naman sa kailangan ko talaga un dahil sa kapangitan, pero naisip ko, kailangan talaga din un para pangalagaan ung mukha at katawan mo. its just like pag-aalaga sau ng isang doctor. hindi tayo dapat nagpapadoctor lang pag may sakit na tayo, dapat we visit our doctors regularly. dats the reason why gusto ko ng work na merong magandang medical support. para naman ok ang health di ba? :)
*********************
nakita ko ang website ni chico garcia, ung sa chico and delamar. hahaha tawa ako ng tawa dun sa THE TOP TEN nia. hahaha as in naiyak na ako sa kakatawa!
*********************
excited ako ngayong gabi, kasi mag-gagawa kami ng baked tahong! whew! nice nice nice
*********************
ang daldal ko! kasi nga hyper ako! ayoko na ng maxwell coffee. nahyper ako sobra. hehehe ahihihi
*********************
naisip ko sia. napapagod na din ako sa kanya. dati naniwala ako na pede pa. baka mag work pa. pero ngayon, mukhang malabo na. wala na akong nararandaman sa kanya eh.
*********************
natutuwa na ako sa facebook. ang dame ko kasing contacts. hahaha eh kasi naman kakahiyang manreject ng mga tao. naisip ko, pag naging teacher ka, eh talaga namang madami kang makikilala, sa ayaw mo't hindi. at wag ka. dahil dito ako nagtuturo (i mean sa bundok ako nagtuturo) aba ang mga kakilala ko, talaga namang naglipana. eto sasabihin ko sa inyo, never pa akong sumakay ng mrt na wala akong nakitang kakilala. kakatawa noh? kaya usually pag lumuwas ako ng manila, kailangan ready ka nang makipag hi and hello sa mga former students and friends. paano pa kaya pag dun na ako nagwork? ehem.
*********************
excited na din ako sa june. di ko alam kung san na ako magwowork pero excited pa rin ako. so far, meron akong mga active job applications. pero hindi ko muna irereveal kung saan saan ang mga ito. tsaka na. pag makapagdecide na ako sa mga gagawin ko. hehehe kakatakot na kakaexcite. ganun ang feeling. pero sige lang. gusto ko pang makita kung ano pang pedeng ioffer ng mundong ito sa akin. :)
*********************
after ng holy week, meron akong aatendan na workshop/training. its something na kakaiba sa field ko kaya hindi ko na muna rin irereveal. tsaka na pag tapos na at ipopost ko sa blog ko ang mga pinaggagagawa ko dun. hehehe soooo exciting!!
*********************
bakit nga ba wala pa akong lovelife hanggang ngayon? next topic.
*********************
sa sat luluwas kami. pupunta kami glorietta at magoovernite sa cavite. meaning madameng tahong!!! tsaka ginataang isda!!! tsaka coke!!! tsaka pizza!!! tsaka movie marathon!!! hahaha yan ang buhay. buhay baboy! hehehe
*********************
musta na kaya si frienship ko na nagstart ng work sa manila nung monday? hehe kinakabahan daw sia pero wag ka, alam ko namang kayang kaya nia yun. sia pah! eh ang lupet ng credentials nia eh. anyway, sana oki. hehehe
*********************
pumasa si rey sa 142!! yehey!!!
*********************
pagod na ako. next time na lang. :)
Kasoy Sate Sauce a la Marketman
6 years ago
No comments:
Post a Comment